Thursday, November 26, 2009

Sa bansa natin hindi puwede ang salita lamang,kailangan ang gawa.Kahit anong krimen,kapag nakinig lang tayo sa radyo,magbasa lang ng dyaryo at manuod ng balita sa television ay walang mangyayari at hanggang sa malimutan na lang ng mga tao.Ang kailangan dito ay kalampagin ang sundalo at kapulisan.Naniniwala kami mayroon pang matitinong pulis at sundalo.Kailangan ng solution para matapos ang karumal-dumal na krimen,massacre,kidnapping,robbery,at salvage killings.Itong problemang ito ay talamak na sa buong Pilipinas.Sa barangayan at bayan bayan,napakarami na ng "SALVAGE KILLINGS".Noong panahon ni Marcos at panahon ni LIM sa maynila napakarami ng salvage killing.Saan man nangyari,ibang klaseng pagpatay iisa ang katumbas nito ang paglabag sa batas at karapatang pantao.MAGUINDANAO,MENDIOLA,LUISITA,DACER AT CORBITO,BENTAIN AT IBA PANG HIGH PROFILE CASE.Isama pa natin ang maliliit at hindi sikat na kaso.Iisa ang dahilan.Ang paggamit ng pera at kapangyarihan ng mayamang pulitiko para pumatay,rape at paglabag sa karapatang pantao.PAANO ITO MASUSULUSYUNAN KUNG ANG MGA TAONG NASA GOBYERNO AY HINDI TOTOO ANG HANGAD NA PAGBABAGO SA ATING BANSA.NAKITA AT NARINIG NA NATIN ITO MULA PA NOONG BATA PA TAYO.ISANG EXAMPLE,SI BINGBONG CRISOLOGO,maraming napatay at sinunog ang dalawang bayan ,ngayon konsehal na ng Quezon city,marami pang pulitiko sa buong pilipinas na gumagamit ng kapangyarihan at pera.Nagbigay lang ako ng halimbawa.
IISA ANG SINISIGAW NAMIN.PILIPINO HUWAG MADALING MAKALIMOT SA NAKARAAN.KUMILOS TAYO PARA MAGKAROON NG HUSTISYA.HUWAG IPAGSAWALANG BAHALA LANG.DAHIL ITO AY MABABAUN SA LIMOT.

No comments:

Post a Comment